HINDI inaabuso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kaniyang kapangyarihan kung kaya’t nananatiling malaki ang tiwala ng publiko sa kaniya.
Ayon sa dating Communications Undersecretary at ngayo’y Epanaw Sambayanan Party List 2nd nominee na si Dr. Lorraine Badoy, alam ni FPRRD na ang kapangyarihang hawak niya ay hindi dapat gamitin para saktan, takutin, at nakawan ang mga tao.
Ang kapangyarihan para kay FPRRD, batay sa napansin ni Dr. Badoy, ay para pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino.
Ang mga mamamahayag, kahit anong batikos kay FPRRD, ay hindi rin aniya kailanman pinatahimik ng dating pangulo.
Sa huli, ani Dr. Badoy, mahirap maging kaaway ang mga Duterte.
Kailangan pa gumawa ng kung anu-anong isyu ang mga kalaban para lang may maibato sa nabanggit na pamilya.
Follow SMNI News on Rumble