FPRRD, may payo sa kaniyang kaibigang si Pastor Apollo C. Quiboloy

FPRRD, may payo sa kaniyang kaibigang si Pastor Apollo C. Quiboloy

IPINAHAYAG ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, bilang abogado ay puwede namang harapin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mga warrant of arrest na kinakaharap nito at magpiyansa.

Pero kung naniniwala ito na hindi siya mabibigyan ng patas na laban ng kasalukuyang administrasyon ay mas maigi pang huwag na lang itong magpakita pa.

Matatandaan na nilinaw ni Pastor Apollo na hindi ito nagtatago dahil sa siya ay may kasalanan.

Ang hindi aniya pagpapakita sa publiko ay dahil sa kailangan niyang protektahan ang kaniyang sarili sa banta ng extraordinary rendition.

Sa kabila naman ng mga biro or pakikipagkatuwaan sa media ni dating Pangulong Duterte na nasa Tamayong lamang ang kaniyang kaibigan ay nagpapaalala rin ito sa tamang sistema ng paghahanap kay Pastor Apollo.

“Hindi mo puwedeng ma-search iyang bahay na iyan at maghahanap ka kay Pastor Quiboloy. You will become a member of The Kingdom of Jesus Christ,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Samantala, kinumpirma rin ni dating Pangulong Duterte na ang pagiging administrator nito sa KOJC ay para ma-preserve ang mga pag-aari nito habang wala ang butihing pastor.

Pinabulaanan din ng dating alkalde ng Davao City na itinatago nito ang kaniyang kaibigan.  Aniya naniniwala at tiwala ito na kayang mag desisyon ni Pastor para sa kaniyang ikabubuti.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter