FPRRD, nagsalita kaugnay sa umano’y malawakang korapsiyon sa PNP

FPRRD, nagsalita kaugnay sa umano’y malawakang korapsiyon sa PNP

NAGSALITA kaugnay sa umano’y malawakang korapsiyon sa Philippine National Police (PNP) si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 

Ipinahayag ni FPRRD na napasok na ang Pambansang Pulisya ng mga kriminal at ang ilan sa mga ito ay naging ‘bata’ o tauhan ng mga politiko sa halip na protektahan ang publiko.

“We have a very serious problem with the police. There seems to be a massive corruption going on,” saad ni dating Pangulong Duterte.

Sa programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Martes, binigyang-diin ni dating Pangulong Duterte ang pag-iral ng katiwalian sa loob ng Pambansang Pulisya.

Ipinaliwanag ito ng dating pangulo sa pamamagitan ng pagsasalarawan gamit ang pinaghalong bigas at monggo.

Ani pangulo, maraming pangkat sa loob ng Pambansang Pulisya ang mga tapat at maaasahan habang naririyan din ang mga tiwali at sariling interes lamang ang iniisip.

“Ganito iyan eh. Tingnan ninyong mabuti ha. Separate ko muna ‘yung papel. Tingnan ninyo nang mabuti. Isa lang ang gagamitin ko. Ito, mga pulis so hindi ko na ilalagay lahat, magkuha lang ako ng sample. Police iyan. Kasi maraming tribo—Ilokano, Bisaya, Muslim, Igorot, Waray, ihalo ko iyan. So that is the police organization. ‘Yung monggo representative lang iyan sa composition ng organization. So this is the case. Iyan ang PNP natin—Philippine National Police. Karamihan dito, mahusay, honest, hardworking. Ang problema nito, ito meron ako. Ito kakaunti lang ito. Ito ‘yung mga gago na mga walanghiya na pulis. Kasali na ang general down to the patrolman. Iyan ito, nandiyan iyan sila. Haluin mo ngayon iyan. Now tell me, paano mo ma-solve ang problema?” dagdag ni Pangulong Duterte.

“Merong diyan bad eggs—mga kriminal, itong mga p*tang*na, mga kriminal talaga itong mga police na ito. Merong mga kriminal o criminally inclined na nakapasok sa Philippine National Police,” aniya.

FPRRD: Ilang mga pulis ‘bata’ ng mga pulitiko

Binanatan din ni dating Pangulong Duterte ang mga pulis na tumatanggap ng pera mula sa mga politiko kung saan, aniya, ang ilan sa mga ito ay tumatanggap ng pera upang itumba ang kalaban nito sa politika.

“Ang problema nitong mga police na ito, may iba dito maging instead of just being a mere government functionary protecting the life, naging bata-bata. So, ginagawa ng iba parang inuutusan na, parang ginagawa ng ‘boy’ ng mga politiko,” dagdag ni FPRRD.

“Itong iba kasi nagpapagamit at nagpapakaloko at ang mahirap niyan in some cities tumatanggap ng pera sa mga politiko,” aniya pa.

“Ang problema nitong itong mga u— kayong mga pulis, mga ugok, nagpapagamit kayo pati sa pulitika, pati ‘pag inuutusan kayo na patayin yung kalaban niya sumusunod naman kayo. Hindi mo na masabi sa inyo Sir ang trabaho ko is to protect your life, if that is the limit or the parameters of my job, I will die for you protecting your life,” aniya.

Korapsiyon sa PNP, kwestiyon ng liderato – dating Pang. Duterte

Ayon pa kay dating Pangulong Duterte, ang korapsiyon sa PNP ay sanhi rin ng mga korap na namumuno rito.

Aniya, kung matino umano ang namumuno, matino rin ang mga nasa ilalim nito ngunit kung ito ay may bahid ng korapsiyon, lahat ng nasa ilalim nito ay magiging korap din.

“Ito namang mga pulis, you know what is the problem of the police, anong problema dito? How do you solve a problem? Kukutawin mo ‘yan, papaano mo hanapin ang mga p*tang i*a na ‘yan? Alam mo ‘yan it’s a question of leadership. ‘Pag corrupt ito dito sa taas, corrupt lahat ‘yan. Pagka tumatanggap itong g*go na ito, tanggap lahat ‘yan, down the line ganun ‘yan,” diin ni FPRRD.

“Human beings, human rights, the right to remain silent, the right to be presumed innocent, ok ‘yan. Itong pulis, itong mga kriminal lalaruan ka lang, idemanda mo tapos the following day may pera sila, makakalabas kaagad. Tingnan niyo ang mga pulis na-demanda, basta tingnan mo sa TV, tinanong siya, who paid your bail bond? Sabi niya I do not know. Ang bail bond niya is 130,000. And he pretends to have amnesia or everything. Kalokohan,” ani FPRRD.

Samantala, matatandaan na sa isang interview ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gumawa na ito ng hakbang upang imbestigahan ang mga police officers na hinihinalang may kinalama sa ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter