ATTY. Jayvee Hinlo: Hindi maikakaila na maraming Pilipino, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, ang hanggang ngayon ay bilib kay FPRRD bilang isang lider ng bansa.
Naninindigan ang senatorial candidate na si Atty. Jayvee Hinlo na malakas pa rin ang impluwensiya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Patunay aniya ito na kahit wala na ito sa Pilipinas matapos na piniling ibigay ito ng Marcos Jr. administration sa poder ng mga dayuhan, partikular na sa International Criminal Court (ICC), ay nananatili itong pinag-uusapan ng publiko.
Ayon pa kay Atty. Hinlo, hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, ang hanggang ngayon ay bilib kay Duterte bilang isang lider ng bansa.
At dahil sa ginawa ngayon ng pamahalaan sa dating Pangulo, tiyak na nagbabadya ito ng panibagong kasaysayan na mangyayari sa bansa, sa mga Duterte, at sa mga nagmamahal sa dating presidente.
Para naman sa mga taga-Bicol Region, saksi rin ang tumatakbong pagka-bise gobernador ng Albay sa ilalim ng PDP slate na si Jun Alegre sa pagmamahal ng mga Pilipino para kay dating Pangulong Duterte.
Sa katunayan, natatangi aniya si FPRRD na akusadong imbes sana ay kamuhian ng tao ay lalo pang naging popular at minamahal ng buong mundo.
Sa kabilang banda, bagama’t wala pang kasiguraduhan sa kapalaran ng dating Pangulo, isa ang hiling ng mga kaalyado nito sa publiko at ito ang piliin ang mga kandidatong may kaparehong dedikasyon at malasakit sa bayan gaya ng dating Pangulo.
Follow SMNI News on Rumble