FPRRD pabor sa Cha-Cha; Termino ni PBBM at kasalukuyang gov’t officials hindi dapat mabago

FPRRD pabor sa Cha-Cha; Termino ni PBBM at kasalukuyang gov’t officials hindi dapat mabago

HINDI puwedeng humigit pa sa isang termino o anim na taon ang panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan, sakaling maamyendahan ang Saligang Batas.

Sa isinagawang Hakbang ng Maisug at prayer rally sa Cebu City, ito ang naging tono ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa isinusulong na Charter Change.

“Ako musuporta ko, I mean I would support any changes in the Constitution that would enhance, improve, or whatever would make the Filipinos happy, I am for it. Walay problema. Basta wala lay musulod nga interes para ugma nila,” saad ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Dating Pangulong Duterte, ito’y dahil sa ilalim ng Konstitusyon ngayon, hanggang isang termino lang maaaring maupo si Pangulong Marcos.

Paalala ng Dating Pangulong Duterte kay Pangulong Marcos na huwag gawin ang nangyari noon sa panahon ng kaniyang tatay na inamyendahan ang Konstitusyon, kung saan umabot sa dalawang dekada ang pananatili nito sa kapangyarihan.

“Ayaw gyud nag hilabti kay ug imo nang hilabtan pareho sa nahitabo ni Marcos (Sr.) puwera gaba lang kay wala naman, and this is not really to make any challenge with the president. Mao to sigeg kuan, hangtud sige na nadugay na. On that ought to change the Constitution to prolong, patas-on. Pagkahuman pagtan-aw niyang maglisod, mag-declare ug martial law. So we had to endure almost twenty years ug usa katao lang walay boto-boto,” dagdag ni FPRRD.

FPRRD kay PBBM: Suportado ko siya dahil mabait

Pero nilinaw naman ni Dating Pangulong Duterte na wala itong problema kay Pangulong Marcos bagkus pinuri pa ang Pangulo dahil ito aniya ay mabait.

“Si Bongbong [Marcos] mabuting tao. Wala talaga akong problema kay President. Sa totoo lang, suportado ko siya dahil mabait kumpara sa akin,” aniya.

Samantala, noong unang prayer rally sa Davao City, kasagsagan ng isyu sa umano’y bayaran ng pirma para sa People’s Initiative, tinawag ni FPRRD si Pangulong Marcos na bangag na presidente.

Hindi naman ito direktang sinagot ng Pangulo.

FPRRD kay PBBM: Tapusin mo lang ang biyahe mo

Gayunpaman, sinabi naman ni Dating Pangulong Duterte na suportado niya si Pangulong Marcos at sinabing maging kontento lang ito sa kaniyang panunungkulan ngayon.

“So, I continue to support him. Basta— I don’t know how his term would end,” ani FPRRD.

“Ang problema lang, Mister President, is be comfortable and be content kung nasaan ka ngayon. Tapusin mo lang ang biyahe mo, then bitawan mo and let the Constitution work. Because if you try to [amend] kasi gustong baguhin ang termino ng presidente, diyan na naman tayo magkakagulo,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter