SA opisyal na pahayag ng Philippine Coast Guard, ganap na alas sais ngayong araw, Feb. 26, 2024 nang napasok ng “unknown entity” ang official Facebook page ng ahensiya.
Batay sa initial diagnostic ng Coast Guard Public Affairs (CGPAS), ang naturang “unknown entity” ay bigong nag-iwan ng digital traces sa official email address at teleponong gamit ng CGPAS.
Napasok diumano ang page sa gitna ng isinasagawang strategic communication plan workshop.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, napansin nila ang paglabas ng ilang malisyosong short videos sa kanilang official Facebook page.
Nito lamang Pebrero 15, 2024, nang magkaroon din ng security breach sa official X (formerly Twitter) account ng ahensiya ngunit naayos din kinalaunan.
Enero ngayong taon nang nakatanggap ng babala ang PCG mula sa Department of Information and Communication Technology (DICT) kaugnay sa posibleng hacking sa PCG website.
Sa ngayon, nakikiusap ang ahensiya na tulungan sila sa pamamagitan ng massive reporting sa mga sumusunod na paraan: Sama-sama po nating i-report ang video na ito.
1) I-click ang tatlong tuldok sa right side ng Philippine Coast Guard (…)
2) I-click ang Find Support / Report
3) Piliin ang Something Else
4) Piliin ang Fraud or Scam
5) Click Done