PINAYUHAN ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng usapin ng isinusulong na pag-amyenda ng Konstitusyon na nauugnay sa posibleng pagpapalawig ng termino ng kasalukuyang nakaupo sa puwesto.
Sa kaniyang talumpati sa isinagawang Defend the Flag Peace Rally sa Tagum City Davao del Norte, sinabi ni FPRRD na dapat makuntento si Marcos Jr. sa anim na taong termino.
Dapat pa nga aniya itong magpasalamat sa kabila ng hindi magandang kasaysayan ng ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. ay pinatawad sila at binigyan muli ng pagkakataong makapagsilbi.