NAGBIGAY ng pahayag si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa mga resulta ng ‘Tugon sa Masa’ survey na inilabas kamakailan.
“What takes the essence of their output would be the result of the surveys which would show that most of the Filipinos are contented,” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“The people’s choices are there whether or not tama or mali ‘yung ginagawa nila,” dagdag ng Dating Pangulong Duterte.
Ito ang naging sagot ni dating Pangulong Duterte sa kaniyang programang ‘Gikan Sa Masa, Para Sa Masa’ sa SMNI nitong Lunes, ng Nobyembre 6, matapos itong matanong patungkol sa survey results ng ‘Tugon Sa Masa’ na isinagawa ng OCTA Research para sa third quarter ngayong 2023.
Sa nasabing survey, makikita na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay nakakuha ng 73% trust rating mula sa dating 75%. Gayundin, bumaba ang trust rating ni Vice President Sara Duterte mula sa 85% hanggang 75%.
Samantala, para naman kay House Speaker Martin Romualdez, tumaas ang trust rating ng nasabing opisyal mula 54% hanggang 60%. Kung ikukumpara naman ito sa nakaraang taon, malaki ang itinaas ng trust rating ni Romualdez, mula 38% hanggang 60%.
FPRRD, grinaduhan ang Marcos administrasyon
Noong hiningi naman ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang grado ng dating Pangulo para sa kasalukuyang administrasyon, ito ang naging tugon.
“Just to have a visual ano, on a scale of 1-10 maybe the administration is performing like 6, 6 ½, wala pa hindi pa umabot, I hope magpunta ng 7 & 8. Not really specifically for any person there or even the president but for the Filipino because at the end of the day the biggest loser would be the people of the Republic of the Philippines, any failure for that matter by the president, or by our institution—like Congress and Supreme Court, people will suffer,” ani Dating Pangulong Dutete.
Nilinaw ni dating Pangulong Duterte na ang kaniyang pahayag ay hindi para sirain si Pangulong Marcos. Aniya, ikaliligaya niya kung magiging pinakamahusay na pangulo si Pangulong Marcos.
FPRRD, muling nanawagan na magtulungan para sa Pilipinas
Samantala, muling nanawagan si dating Pangulong Duterte na magtulungan ang taumbayan para sa ikabubuti ng Pilipinas.
“Remember guys, remember Mr. President that I’m here just to say a few things to correct – just little errors. Hindi naman malaki. I’m not here to destroy you. You are no longer a candidate. You are a working president and wala naman na akong ambisyon. Before your term ends, baka patay na ako. Matanda na ako. Magtulungan na lang tayo. When I say that with sincerity that… Hindi naman good, Mr. President; fairly good, so improve on it, maybe the next time that I would sit here to talk to the nation, you’d be making it good and then I’ll be happy if you strive to go the next step which is very good. And if you reach the pinnacle of the best president then I would be the happiest person on earth. At least mayroon tayong presidente na naging best president,” saad ni FPRRD.