Marcos admin, nasa tamang direksiyon—OCTA Survey

Marcos admin, nasa tamang direksiyon—OCTA Survey

62 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang landas ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Base ito sa pinakahuling tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.

Nasa 20 porsiyento naman ng mga sumali sa survey ang hindi bilib sa palakad ng pamahalaan.

Sa lahat ng mga rehiyon na tinanong, ang mga taga-Mindanao ay 70 porsiyento ang pinakananiniwalang nasa tamang direksiyon ang pamamahala sa bansa.

Sinundan ito ng mga taga-Metro Manila na 69 porsiyento, Visayas 58 porsiyento, at Balance Luzon naman na 57 porsiyento.

Sa 20 porsiyento na hindi bilib sa pamahalaan, pinakamarami ang naitala sa Visayas na 23 porsiyento.

Pero ayon sa OCTA, bahagyang bumaba ang survey results ngayong quarter kumpara sa ikalawang 2nd quarter ng taon.

“Yung optimism, bumaba from 72% to 62%. So dati parang 7 out of 10 Filipinos are optimistic, ngayon 6 out of 10 na lang,” ayon kay Dr. Guido David, OCTA Research.

Ginawa ang survey nitong Setyembre 30-Oktubre 4, 2023 sa 1,200 respondents edad na 18 pataas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang patuloy naman na pagtaas sa inflation rate ang tinitingnan na dahilan ng OCTA sa pagbaba ng optism ng mga Pilipino.

“Yung questions namin as is, hindi naman natin ang factors pero at the same time third quarter nakita natin na patuloy na tumataas ang ‘yung inflation. Kasi pero na-control ‘yung inflation natin noong 2nd quarter,” dagdag ni Dr. David.

Ginagawa naman ng OCTA ang mga survey para malaman ng pamahalaan ang pulso ng bayan.

At magkaroon ng agarang policy shift sa mga programa kung kinakailangan.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble