FPRRD, tinawag na ‘authoritarian’ si Marcos Jr. matapos patalsikin sa puwesto si Gov. Jubahib

FPRRD, tinawag na ‘authoritarian’ si Marcos Jr. matapos patalsikin sa puwesto si Gov. Jubahib

HINDI na napigilan pa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na akusahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng pagiging diktador.

Ito nga’y kasunod ng pagtanggal sa puwesto kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.

Si Jubahib ay nahaharap sa 60 araw na suspension order base sa utos na inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pinirmahan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang gobernador ng Davao del Norte ay basta na lamang pinaalis sa puwesto at inakusahan ng kasong matagal nang naresolba sa kaniyang probinsiya.

Ani Duterte, hindi na sinusunod ni Marcos Jr. ang demokrasya ng bansa.

“I am accusing Marcos of bringing us back to the old politics, ganoon suspend tapos tanggal ng tao na walang [masamang ginawa] tatay ko halos ganoon ang ginawa nila.” 

“If that is what he is doing now, I am accusing him of being an authoritarian leader.”

“Alam mo, we are drifting into that kind of set-up which I think to me is very important for the President to realize it. Mr. President, hindi mo na sinusunod ‘yung demokrasya and you are veering towards a more authoritarian [government]. Mahirap iyan. Hindi sinanay ang Pilipino. I am just warning you. Ako, isa talaga sa hindi papayag. Kung magtanong ka what I intend to do, I will raise hell one day and I would ask the military and the police to join me not to force you out of the office. We will just air our sentiment for you not to forget that the Philippines is a democratic state,”  pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabihan din ni Duterte si Marcos na dapat nitong alalahanin na si Jubahib ay binoto at iniluklok sa puwesto ng taumbayan kaya’t hindi tama na basta na lang itong patalsikin sa puwesto.

“Tanggalin mo ang tao mo na walang rason, and you must remember, that the governor of North Davao has been elected by the people. Hindi iyan trabahante na in-appoint mo tapos tanggalin mo. We have to respect the will of the people of that North Davao. For respeto naman,” diin pa ni Duterte.

Dating chief justice at ngayo’y ES Lucas Bersamin, nilabag ang batas kaugnay ng suspension order vs. Gov. JubahibCong. Alvarez

Samantala, ayon naman kay Cong. Pantaleon Alvarez, nilabag ni dating chief justice at ngayo’y Executive Secretary Lucas Bersamin ang batas nang pirmahan nito ang direktibang nag-uutos na bakantehin na ni Jubahib ang kaniyang posisyon.

“Kahit walang basehan, binigyan ng order of suspension si Gov. Edwin Jubahib. Nung nakita ko ‘yung order, sabi ko I was disappointed, why? Because the order was signed by a former chief justice, itong si Bersamin sabi ko former chief justice ito dapat he should be the one to respect ‘yung due process at equal protection of the law, malinaw sa Saligang Batas ‘yan di ba? No person should be deprived of life, liberty or property without due process of law nor shall any person be denied equal protection of the law, ang linaw linaw,” saad ni Cong. Pantaleon Alvarez, 1st District, Davao del Norte.

Sabi ni Alvarez, ilegal ang pagkakatalaga ng acting governor sa Davao del Norte dahil may gobernador naman ito.

“At saka ‘yung assumption of office as acting governor ni Oyo Uy illegal din ‘yan, kasi andiyan ‘yung governor, buhay ‘yan sitting governor, paano mo sasabihin na legal ‘yung pag-a-appoint mo ng acting governor, ang acting governor pagka walang governor eh nandiyan ‘yung governor kaya nga sabi ko roon sa mga empleyado kasi magkakaroon ng eskandalo ito dahil ang mangyayari jan dalawa ang gobernador sa Davao del Norte, mayroong totoong gobernador at mayroong fake na governor,” ayon pa kay Alvarez.

Sa katunayan ay tumanggap pa nga ng Seal of Good Governance si Gov. Jubahib ilang linggo lamang ang nakaraan mula sa DILG dahil sa maayos na pamamahala nito sa probinsiya ng Davao del Norte.

“Hindi ko maintindihan kung bakit ‘yung administrasyon e wala namang gulo sa Davao  del Norte sa pagpapatakbo ng probinsya, in fact ito ha a few weeks ago Gov. Edwin Jubahib was awarded plaque of appreciation, ang nakalagay doon Seal of Good Governance, recipient sya nyan, ang nakalagay DILG, ngayon tatanggalin mo ang taong iyon who just received an award from DILG ‘yung Seal of Good Governance eh masyadong unfair naman and unjust di ba kaya nga sabi ko ang hirap talaga ‘pag ganito ang sitwasyon, ganito ang administrasyon hindi mo maintindihan,” ani Alvarez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble