France, handang tumulong sa pagbuo ng submarine force ng Pilipinas

France, handang tumulong sa pagbuo ng submarine force ng Pilipinas

HANDANG tumulong sa pagbuo ng submarine force ng Pilipinas ang France.

Nagpahayag ng suporta ang France sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang ang kahandaang tumulong sa pagbuo ng submarine force ng bansa.

Ito ay kasunod ng pagbisita ni French Ambassador-designate to the Philippines Marie Fontanel-Lassalle kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa pulong ng dalawang opisyal, sinabi ni Fontanel-Lassalle na inaasahan niya ang patuloy na pagganda ng relasyon ng France at Pilipinas kasunod ng pagbubukas ng bagong Defense Mission sa bansa.

Ikinatuwa naman ni Teodoro ang suporta ng France sa pagtataguyod ng rules-based international order at pagtalima sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Hinimok nito ang France na patuloy na itaguyod ang freedom of navigation sa gitna ng hamon sa karagatan.

Samantala, tinalakay rin nila ang katatapos lang na joint-sail ng Pilipinas at Estados Unidos at ang posibleng pagbisita ng Defense ministers ng Pilipinas at France.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble