ISINAILALIM sa state of emergency ang New Caledonia sa France matapos ang nangyaring kaguluhan sa loob ng dalawang gabi doon.
Nagsimula nitong Mayo 16 ang state of emergency kung kaya’t ipinag-utos ng French Government na magkaroon ng military troops sa mga pantalan at international airport sa lugar.
Sa ilalim ng state of emergency ay maaaring magpatupad ng mga travel ban, house arrest at search ang kanilang pamahalaan.
Nangyari ang kaguluhan matapos suportahan ng French National Assembly ang isinusulong na pagbabago sa voting rolls.
Para sa mga opisyal ng katutubong kanak, isang tribu sa New Caledonia, ang mga pagbabago ay magpapahina sa kanilang mga boto.