Free Coronavirus testing sa Tokyo, ipagpapatuloy

IPAGPAPATULOY ng gobyerno ng Japan ang free Coronavirus testing sa 180 at iba pang lokasyon kabilang ang mga drugstores, sa Tokyo.

Sinimulan na ng mga awtoridad ng Tokyo, Japan ang pamamahagi ng free tests sa lahat ng mga residente nito, kabilang na ang mga walang sintomas.

Ayon sa mga awtoridad, dahil sa pagdagdag ng gobyerno ng Japan ng isandaan at walumpung iba pang lokasyon ng free Coronavirus testing sa Tokyo, ay nakakapagbigay sila ng humigit-kumulang tatlumpung-libo na free tests sa mga residente araw-araw.

Kabilang na rito ang mga walang sintomas.

Maaaring makapili ang mga residente mula sa PCR o Antigen test at ang magiging resulta ng PCR test ay maaaring matanggap sa parehong araw habang ang Antigen naman ay sampung minuto lamang matapos ang test ay lalabas na ang resulta.

Ang hakbang na ito ay isinulong matapos makapagtala ang bansa ng kauna-kaunahang kaso ng transmisyon ng Omicron variant mula sa isang komunidad.

Isa naman sa mga bagong test centers ay malapit sa Ikebukuro station.

Ang free Coronavirus tests ay para sa mga residente ng Tokyo; ngunit maaari din namang makakuha ang iba ng kanilang free test kabilang na ang mga hindi maaaring mabakunahan sa kadahilanang pangkalusugan o mga bata na nasa edad 11 pababa.

SMNI NEWS