Free medical services ni Pastor Apollo C. Quiboloy suportado ng mga taga-Valenzuela

Free medical services ni Pastor Apollo C. Quiboloy suportado ng mga taga-Valenzuela

NAG-uumapaw ang tuwa at pag-asa ng mga taga-Karuhatan, Valenzuela matapos nilang marinig mismo ang mga konkretong plano at programang pangmasa ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa ilalim ng kampanyang “Ayusin Natin ang Pilipinas”.

Mga panukalang tumatama sa tunay na pangangailangan ng mamamayan—lalo na sa larangan ng kalusugan, kabuhayan, at laban sa katiwalian.

Sina Aling Julie at Aling Monica—parehong senior citizen, parehong may dinaramdam na dulot ng katandaan. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihirap, patuloy silang umaasa na mararanasan pa nila ang isang sistemang hindi pabigat kundi kaagapay: isang Pilipinas kung saan hindi na kailangang mamroblema sa gastusin sa gamot o pagpapagamot.

At para sa kanila, malaking pag-asa ang hatid ng panukalang programang pangkalusugan ni Pastor Apollo C. Quiboloy—isang platapormang nangangakong magiging libre ang mga serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino. Isang tapang na tumutuligsa sa napakataas na halaga ng gamot at hospitalisasyon—na hanggang ngayon ay pasan-pasan pa rin ng maraming pamilya.

“Kailangan natin talaga libre talaga para ‘di na tayo nagbabayad,” ayon kay
Monica Rivero, Residente, Karuhatan, Valenzuela City.

Liderato ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sagot sa paglaban sa korapsiyon

Samantala, bukod sa pangkalusugan, isa sa mga pangunahing plataporma ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang paglaban sa malawakang korapsiyon sa bansa—isang bulok na sistema na patuloy na nagpapahirap sa mga maliliit na Pilipino.

Para kay political vlogger Jay Guevarra, isang malaking biyaya ang pagkakaroon ng isang lider tulad ni Pastor Quiboloy. Aniya, hindi lamang magtatagumpay ang Pilipinas, kundi magtatamo ng tunay na kaunlaran sa pamumuno ng butihing Pastor—isang lider na hindi kailangang magnakaw o mang-abuso, dahil pinatunayan na niya ang kanyang kakayahan sa pagpapaunlad ng Kingdom of Jesus Christ kahit pa sa harap ng matinding kakulangan sa suporta mula sa gobyerno.

Gaya ng mga ibang masiglang pagtitipon, hindi maitago ang kasiyahan at pagkasabik ng mga residente habang abala silang nanonood at nakikinig sa mga plataporma ng mga kandidato—lalo na ang mga makabagong plano ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bansa.

At sa nalalapit na kaarawan ng butihing Pastor, ipinamalas ng mga residente ang kanilang taos-pusong pasasalamat at pagbati, sabay ng pangakong lubos nilang susuportahan si Pastor Apollo sa darating na halalan sa Mayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble