MALAKING tulong para sa bansang Thailand ang pagpapabuti sa free trade agreement upang maalis ang mga hadlang sa paglago nito partikular na sa produktong pang-agrikultura at industriya.
Ayon kay Duangarthit Nidhi-U-Tai, deputy director-general ng Department of Trade Negotiations, Commerce Ministry, ang pag-uprade kamakailan sa mga kasunduan ay inaasahang magpapanatili sa paglago ng ekonomiya sa buong rehiyon at mga kasosyo nito.
Matatandaan na noong Hulyo 14 hanggang 15, ang ASEAN negotiating team ay nakipag-usap sa bawat kinatawan ng bansa, na nagresulta sa pagpapabuti sa free trade agreement.
Ayon kay Duangarthit, nakamit ng 39th ASEAN Korea Free Trade Agreement (AKFTA) ang pag-upgrade sa tax reduction tables mula noong 2017 hanggang 2022 kung saan siyam na ASEAN states ang sumang-ayon sa protocol na siyang nagpabilis sa kalakalan ng ASEAN-Korea.
Tinalakay naman ng ASEAN at China ang ilang isyu kaugnay sa 44th ASEAN-China Free Trade Agreement (ACFTA) partikular na sa agriculture at industrial exports sa bansang China.
Isinagawa ng ACFTA ang mga negosasyon upang lalo pang mapalawak ng China ang economic cooperation nito kabilang na ang mga patakaran at regulasyon para sa trade and investment at ang pagpapalawak ng e-commerce project na inaasahang maaaprubahan ngayong taon.
Tinalakay naman sa 2/28 ASEAN-Japan Free Trade Agreement ang pinabilis na pagpapatupad sa “future design and action plan for the innovation and sustainability of ASEAN-Japan Economic Cooperation.
Ang bilateral negotiations sa 11th ASEAN Hong Kong Free Trade Agreement (AHKFTA) ay nagresulta naman sa pagkakumpleto ng 557 Product Specific Rules (PSRS) sa bansang Hong Kong.
Dahil dito ang Thailand ay mag-o-organisa ng workshop tungkol sa nasabing paksa na may badyet na humigit-kumulang 3.29 milyong baht upang magdaos ng mga katulad na programa ngayong taon.