HINDI si Pastor Apollo C. Quiboloy ang tinamaan sa Freeze Order kundi ang religious operations, humanitarian purposes, libu-libong kabataan, at scholars ayon kay Ka Eric Celiz.
“Nakakalungkot po dahil ang tinamaan ng kanilang freeze order ay hindi po si Pastor [Apollo Quiboloy]. Pastor, ang pagkakaalam ko, does not own any account or any property under his name. Commonwealth po sila, parang socialist na lahat mag-ambag, lahat naman makikinabang sa kung ano ang nararapat sa ministry. Commonwealth at walang pwedeng mangurakot.”
“So, kung i-freeze mo ito, ibig sabihin ang buong religious operations, humanitarian purposes, other information ministry nila, not related directly kay Pastor ay maaapektuhan. At ito na nga ang nangyari, libu-libong mga kabataan at mga scholars na ang naapektuhan. Kayo na po ang humusga nito, taong-bayan,” ayon kay Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, SMNI Anchor.