French period drama ni Johnny Depp, tampok sa Cannes Film Festival 2023

French period drama ni Johnny Depp, tampok sa Cannes Film Festival 2023

MAKIKITA na muli ng publiko si Johnny Depp bilang aktor.

Sa red carpet opening ng Cannes Film Festival ngayong May 16 ay kasama ang French period drama na “Jeanne du Barry” na pinagbidahan ng aktor.

Iikot ang kuwento tungkol kay Depp bilang si King Louis XV (15th) at ang pagkahulog ng kaniyang loob sa isang prostitute.

Ang French period drama na ito ang kauna-unahang project ni Depp matapos ang defamation trial niya sa pagitan ng dating asawang si Amber Heard na isa ring aktres.

Magugunitang dahil sa trial ay naapektuhan ang Hollywood career ng aktor.

Samantala, ang Cannes Film Festival 2023 ay magtatagal hanggang May 27.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter