TULUY-tuloy ang Marathon Executive Committee Meetings ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) hinggil sa ‘Pambansang Pabahay Program para sa Pilipino’ ng administrasyong Marcos.
Ayon kay DHSUD Undersecretary Avelino Tolentino III, nagpapatuloy ang mga naturang pulong upang matiyak na pagkatapos ng mga una nang na-groundbreak na pabahay ay tuluy-tuloy rin ang pag-ikot ng mga proyekto.
Sa katunayan, ani Tolentino, aasahan na ‘full-blown construction’ ang mangyayari ngayong taong 2023.
Target ng pamahalaan na magtayo ng one million housing units kada taon o six million housing units sa kabuuan sa ilalim ng administrasyong Marcos.