Full face-to-face classes sa Nobyembre 2, mandatory – DepEd

Full face-to-face classes sa Nobyembre 2, mandatory – DepEd

MANDATORYO ayon sa Department of Education (DepEd) ang paglahok ng mga estudyante sa full implementation ng face-to-face classes ngayong Nobyembre 2.

Paliwanag ng DepEd na kinakailangan nang maibalik ang in-person classes dahil lubhang naapektuhan ang learning outcome ng mga estudyante sa nakalipas na 2 taon.

Inilabas ng DepEd ang Department Order No. 34 na pirmado ni VP at Education Secretary Sara Duterte.

Itinakda nito ang pagbubukas ng School Year 2022-2023 sa Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023.

Nakasaad din na magsisimula ang enrollment period sa Hulyo 25Agosto 22.

Base sa implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing kautusan ng kagawaran, maaari pa rin ang blended learning mula Agosto 22-Oktubre 31.

Ngunit pagsapit ng Nobyembre 2, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay dapat magpatupad na ng face-to-face classes.

Ayon kay Usec. Epimaco Densing III, mandatory ang pag-attend sa full implementation ng in-person classes.

Paliwang pa ni Densing na nakasaad sa Department Order na anuman ang alert level sa isang lugar ay magsasagwa pa rin ang face-to-face classes.

Pero aniya susundin nila ang desisyon ng IATF at DOH sakaling magkaroon ng COVID-19 surge.

Iaatang naman ng DepEd sa regional directors ang pagtitiyak ng social distancing sa mga silid-aralan upang maiwasan ang congestion.

Magpapalabas ng karagdagang budget ang kagawaran para sa mga pangangailangan ng mga paaralan upang maging maayos ang pagbabalik-eskwela sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Matatandaan na inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos na target ni VP Duterte na ipatupad ang full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre kung saan magiging 100% na ang attendance ng mga bata sa eskwelahan.

 

BASAHIN: Pagsisimula ng S.Y. 2022-2023, itinakda sa Agosto 22, 2022

 

Follow SMNI News on Twitter