Full-Scale Security Exercise kaugnay sa active shooting scenario, isinagawa sa NAIA

NAGSAGAWA ng Full-Scale Security Exercise (FSSE) kaugnay sa shooting scenario ang Manila International Airport Authority (MIAA) at ang PNP Aviation Security Group o PNP-AVSEgroup  sa Terminal-3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Inabot ng higit isang oras ang ginawang Full-Scale Security Exercise (FSSE) sa NAIA Terminal-3 na sinaksihan din ng iba’t-ibang mga opisyal ng MIAA at PNP-AVSEgroup at ng mga media.

Isang active shooting scenario ang isinagawa sa Terminal-3 ng NAIA upang makita ang kahandaan ng mga kawani ng MIAA at ng PNP-Avsegroup kung saka sakaling may mga mangyaring ganitong insidente.

Ang senaryo ay nagmula umano sa isang Airline Security employee na tinanggal sa kanyang trabaho sa paliparan na para sa kanya hindi ito naging makatarungan.

Dahil sa nais na makaganti ng taong ito sa isang security agency na nag-alis sa kanyang trabaho at pinaniniwalaang dahilan kung bakit naging miserable ang kanyang buhay ay nagtangka itong bumalik sa Airport na bitbit ang Improvised Explosive Device (IED) at mga baril na nakalagay sa kanyang backpack.

Ang lalaki ay nagpupumilit na papasukin sa loob para kunwari gagamit ng comfort room, pero kailangan niyang dumaan sa inspection gamit ang x-ray machine.

Dahil alam niyang guilty ang taong ito dahil sa kanyang mga bitbit na armas ay hindi pumayag na mag pa inspeksyon sa guwardiya na nauwi sa alitan.

Hindi nagtagal, binaril ng lalaki ang dalawang guwardiya na nakabantay sa isang gate ng NAIA Terminal -3 kung saan sya nagpupumilit na pumasok.

Naging alerto naman ang iba pang mga guwardiya sa paliparan at agad itong itinawag sa PNP-Avsegroup.

‘’So with that meron na tayong contigency plan na kung anong ating gagawin kung gaano ba kalaki ang insidente,’’ayon kay PCol. Limuel Obon, Deputy Admnistration.

Ayon pa kay Police Colonel Obon na bagamat maraming nakikitang mga pagkukulang at kamalian sa ginawang simulation exercise ay malaking tulong pa rin ito.

Upang tiyakin na malaman ang mga dapat pang paghandaan at kakailanganin pagdating sa totoong pangyayari ng insidente.

‘’Pag hindi natin ginawa ang simulation muna, we have a bigger problem,’’dagdag nito.

Aminado din ang opisyal na hindi parin minsan nasusunod ang ginawang simulation exercise kapag nangyari na nga ang totoong insidente .

Kaya’t mahalaga pa rin aniya ng mahusay na commander na may mahusay na karanasan pagdating sa decision making sa tulong na rin ng kanyang mga kasamahan.

Ang FSSE o ang kaganapang ito ay alinsunod din sa International Civil Aviation Organization (ICAO) annex 14 na nagbibigay para sa isang aerodrome emergency plan na itinatag sa isang paliparan na sumasaklaw

sa koordinasyon at pagpapatupad ng mga aksyon na gagawin sa isang sitwasyong pang-emergency na nagaganap sa loob o sa paligid ng isang paliparan.

SMNI NEWS