Furlough kay dating Sen. De Lima, nakabukas pa rin

Furlough kay dating Sen. De Lima, nakabukas pa rin

POSIBLE pa rin na matuloy ang medical o home furlough para kay dating Senador Leila de Lima kahit na tumanggi na ito sa alok ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr.

Ito’y matapos aminin ni Atty. Boni Tacardon na kasalukuyan pang nag-uusap ang kanilang legal team ukol dito at pinag-aaralan nila kung hihingi sila ng home o medical furlough para kay De Lima.

Ipinaliwanag ng abogado na tatalakayin at ipapaliwanag nila sa dating senadora ang mga options at kung ano ang mga posible na mangyari sakaling tanggapin ang alok ng Pangulo.

Samantala sa ngayon aniya ay inaalam muna nila ang kasalukuyang state of mind o mental condition at kaisipan ni De Lima dahil baka nasa ilalim pa ito ng civil of traumatise kaya posibleng hindi pa nito lubusang napagtanto ang nangyaring hostage.

Gayunman ay naniniwala ang abogado na ligtas ang dating senadora sa PNP Custodial Center pero mas nais pa rin daw nila na makapagpiyansa na si De Lima.

 

Follow SMNI News on Twitter