Gabay sa SIM registration idinaan sa TikTok ni Sen. Grace Poe

Gabay sa SIM registration idinaan sa TikTok ni Sen. Grace Poe

NGAYONG isa nang ganap na batas ang SIM Registration Law ay obligado ang lahat ng mga users na i-register ang kanilang mga cellphone number o Subscriber Identity Module (SIM).

Ayon sa batas, uumpisahan ang SIM registration sa December 27 ngayong taon at dahil sa dami katanungan patungkol dito ay isang step by step TikTok video ang ginawa ni Senator Grace Poe upang kahit papaano ay magsilbing gabay.

 “Dec. 27 ay ipatutupad na ang SIM registration…. Mayroon pong gabay para jan,” ani Sen. Grace Poe, Chairman, Committee on Public Services.

Sa kanyang TikTok video isa-isang sinagot ni Poe ang mga karaniwang tanong patungkol sa SIM registration.

Kabilang sa mga detalye na kailangan ilahad ay ang buong pangalan, address, araw ng kapanganakan at iba pa.

Sa video ay ipinakikita rin ang mga valid IDs na maaring i-submit para ma register.

Kabilang dito ang:

  • Driver’s License
  • Firearms License
  • IBP ID
  • NBI Clearance
  • OWWA ID
  • Philippine National ID
  • Police Clearance
  • At iba pa

Tiniyak din ni Poe na hindi dapat ikabahala ng mga subscribers ang mga nasa malalayo at walang signal.

Sa video ay nilinaw ni Poe na magkaroon ng maraming SIM.

Ang mahalaga aniya ay marehistro ang lahat ng ito.

Ayon naman sa video, ang mga SIM na hindi narehistro ay madeactivate sa loob ng 180 days o 6 na buwan.

Ang mga mga deactivate naman ay may 5 araw para muling ipa-activate ang kanilang cellphone number.

Sa huli ay siniguro ni Poe na ang mga impormasyong ibinahagi para sa pagpaparehistro ay hindi mapupunta sa kung saan-saan.

Follow SMNI NEWS in Twitter