ISINUSULONG ni Senator Grace Poe na magkaroon ng discount ang senior citizens sa buwanang bayarin nila sa kuryente at tubig.
Sa Senate No. 1066 na inihain ni Poe, sa unang 150 kilowatt per hour at sa unang 50 cubic meters ay bibigyan ng 5% discount ang mga senior.
Bilang pag-amyenda aniya ito sa nakasaad sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Kung matatandaan, sa Senior Citizens Act noong 2010 ay magkakaroon lang sila ng 5% sa kanilang tubig at kuryente kung hindi lalagpas ang kanilang monthly consumption sa 100 kilowatt hours at 30 cubic meters sa tubig.
Ito rin ay kung nakapangalan sa isang senior citizen ang binabayarang kuryente at tubig.
Samantala, nananatiling “per household” pa rin ang pagpatutupad ng discount kahit pa ilan ang bilang ng senior citizens sa naturang bahay.