Gang sa Haiti, pinagbabaril ang isang eroplano

Gang sa Haiti, pinagbabaril ang isang eroplano

PASIMUNO ng pang-aatake sa isang eroplano ng Spirit Airlines ang mga gang sa Haiti.

Sa ulat, pinagbabaril ang eroplano at natamaan pa ito ng apat na beses habang sinusubukan sanang mag-landing sa Port-Au-Prince, ang capital city ng Haiti ayon sa Haitian National Office of Civil Aviation.

Sa kabila nito ay ligtas na nakapag-divert ng ruta at nakapag-landing sa Santiago, Dominican Republic ang naturang eroplano.

Sa ngayon, sa Haiti, hinaharang ng mga gang ang anumang papasok o papalabas na mga biyahe partikular na sa kanilang capital city.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble