Gardo Versoza, pinabulaanan ang balitang ‘pumanaw’ na ito

Gardo Versoza, pinabulaanan ang balitang ‘pumanaw’ na ito

PINABULAANAN ng aktor na si Gardo Versoza ang ulat na pumanaw na umano siya.

Sa isang Instagram post nitong April 28, 2023, sa pamamagitan ng isang larawan na nakangiti idinaan ni Gardo ang kaniyang sagot.

Hindi namana maiwasang mabiktima sa ganitong uri ng balita ang aktor lalo pa’t nagkaroon ito ng heart attack noong Marso dahil sa labis na pag-eehersisyo.

Paalala na rin ng asawa ni Gardo hinggil dito, huwag agad-agad maniwala ang publiko sa kahit anumang balita.

Mas mainam aniya na magbasa at makibalita sa mga reliable source.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter