Major General Torre pinaghihinay-hinay sa pag-abuso sa kapangyarihan

Major General Torre pinaghihinay-hinay sa pag-abuso sa kapangyarihan

PINAGHIHINAY-HINAY ni Retired Police General Filmore Escobal si Police Major General Nicolas Torre III kaugnay sa paggamit umano nito ng kaniyang pansamantalang kapangyarihan.

Ani Escobal, posibleng hindi alam ni Torre na ginagamit lamang siya ng kaniyang mga political masters para sa kanilang pansariling interes.

Dagdag pa niya, oras na makuha ng mga politiko ang kanilang gusto, maaaring hindi na rin pansinin o maalala si Torre.

Ayon kay Escobal, dapat isaalang-alang ni Torre kung paano siya maaalala ng publiko—bilang isang opisyal na nagsilbi nang patas o bilang isang simbolo ng pang-aabuso sa kapangyarihan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble