INAASAHANG magiging handa sa pagsabak sa rigid training ang power forward na si Giannis Antetokounmpo matapos itong sumailalim sa knee surgery sa kasagsagan ng offseason.
Ito ang sinabi ni Milwaukee Bucks Coach Adrian Griffin nang matanong ito sa kondisyon ng MVP player.
Dagdag pa nito na bagamat hindi pa siguro, inaasahan na makalalaro si Antetokounmpo sa World Cup na gaganapin sa Greece sa Agosto 25, 2023.