NAKARATING sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ang posibilidad na si Gibo Teodoro ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang susunod na Agriculture Secretary.
Ayon sa ilang miyembro ng grupo, matunog ang pangalan ni Gibo Teodoro bilang Agriculture chief lalo na’t kasama ito sa UniTeam senatorial ticket nina PBBM at VP Sara Duterte nitong eleksyon.
Aniya, tinanggihan umano ni Gibo ang alok na gawin ulit itong Defense Secretary dahil gusto raw nitong pamunuan ang DA.
Sa gitna naman ng mga hamon ngayon sa agriculture sector, naniniwala ang ilang miyembro ng PCAFI na pagkatapos pa ng May 9, 2023 bababa sa pwesto si Pangulong Marcos o pagkatapos ng election ban.
Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Atty. Bong Inciong, maaaring pagkatapos pa ng Mayo 9 bababa sa DA si Pangulong Marcos ngunit habang wala ito, sana raw ay tututukan ng Pangulo ang management sa ahensya.
“Hindi ko alam kung bibitawan niya. As possible he will wait for May 9 so that other potential heads of Department will be allowed parang yun ang balita eh,” ani Inciong.