Gift of Education scholars nagbigay-pugay kay Pastor Quiboloy sa pagbibigay katuparan ng kanilang mga pangarap

Gift of Education scholars nagbigay-pugay kay Pastor Quiboloy sa pagbibigay katuparan ng kanilang mga pangarap

BINIGYANG-pugay ng mga benepisyaryo ng Gift of Education Scholarship Program (GOEF) si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, ang founding president ng Jose Maria College Foundation Inc. (JMCFI), sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapag-aral at makapagtapos sa prestihiyosong paaralan nang libre.

Kabilang ang mga ito sa mahigit isang libong estudyanteng nagtapos mula sa grade school at senior high school na kinilala sa isinagawang commencement exercises sa Davao City.

Ang mga JMarian ang bunga ng ACQ brand of education o ang Assured, Consistent, at Quality education na hatid ng JMCFI sa patnubay at gabay ng founding president nito.

Isang espesyal na mensahe naman ang ipinaabot ni Pastor Quiboloy na inihatid ni Dr. Marlon Rosete, isa sa mga board of administrator ng KOJC at kasalukuyang SMNI President.

Mahigit isang libong estudyante nagtapos sa Grade School at Senior High School sa Jose Maria College Foundation Inc.

Para sa mga scholar ng Butihing Pastor, mahalaga at malaking tulong ito upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Kaya naman hindi pinalampas ng mga nasabing scholar ang pagkakataon na magpaabot ng kanilang taos-pusong pasasalamat kay Pastor Quiboloy dahil sa tulong na ibinigay upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Nagpaabot din ng kanilang pasasalamat ang mga magulang ng mga estudyanteng napagtapos ni Pastor Quiboloy.

Ilan lamang ang mga estudyanteng ito sa mga natulungan ng Butihing Pastor, hindi lamang sa kanilang edukasyon kundi maging sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan—mula sa pagkain, bahay, damit, hanggang sa pangangalaga ng kanilang kalusugan at iba pa.

Isa sa mga adbokasiyang isinusulong ni Pastor Quiboloy para sa mga mamamayang Pilipino ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon para sa lahat ng kabataan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble