Gilas Men’s National Team, naghahanda na para sa first window ng FIBA 2025 Asia Cup Qualifiers

Gilas Men’s National Team, naghahanda na para sa first window ng FIBA 2025 Asia Cup Qualifiers

TILA walang sinasayang na panahon ang Men’s National Basketball Team para sa nalalapit na first window ng FIBA 2025 Asia Cup Qualifiers.

Kasalukuyan nang nag-eensayo ang Gilas sa four-day training camp sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Kabilang sa mga dumalo sa training nitong Huwebes, sina Justin Brownlee, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, Carl Tamayo, at Kevin Quiambao.

Present din sa training ang Japan B.League players na sina Kai Sotto, AJ Edu, at Dwight Ramos.

Habang no show naman sila June Mar Fajardo at CJ Perez sa first day ng kanilang practice kasunod na rin ng katatapos na laro ng San Miguel Beermen sa 2023-’24 PBA Commissioner’s Cup kung saan nagkampeon ang koponan.

Nakiisa rin sa training ng Gilas sila Ralph Cu at Donald Gumaru.

Matapos ang kanilang closed doors training, magkakaroon naman ng send-off open practice ang team sa Lunes, Pebrero 19 sa PhilSports Arena.

Nakatakdang lumipad ang Gilas patungong Hong Kong para sa kanilang unang game sa Pebrero 22 sa Tsuen Wan Stadium.

Matapos nito, magbabalik-Pinas ang Gilas para sa kanilang second match laban sa Chinese Taipei na magaganap sa PhilSports Arena sa Pasig City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble