NAKAHANDA na ang Gilas Pilipinas sa gaganaping 2023 FIBA World Cup sa Agosto kung saan unang makakalaban nito ang koponan ng Dominican Republic.
Matapos ang ilang buwang pag-eensayo, inaasahan ngayon ng Gilas na maihatid ang pagkapanalo sa Pilipinas.
Matatandaan na kamakailan lang nang manalo back-to-back ang Pilipinas sa laban nito kontra Ukraine sa Kaunas, Lithuania.
Ngayon, mas focus na ang koponan sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan at pagpapakondisyon sa kanilang mga sarili bago paman ang nalalapit na torneyo.
Gaganapin ang unang game ng Gilas laban sa Dominican Republic sa darating ng Agosto 25, 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.