TINALO ng Gilas Pilipinas girls ang bansang Indonesia sa iskor na 73-37 sa naging laban nila nitong Mayo 26 sa Thailand.
Pinangunahan ni Alicia Villanueva ang Gilas girls sa SEABA under-18 qualifiers matapos nag-ambag ito ng 13 points.
Sa susunod na buwan ay sasabak naman ang Gilas Girls para sa FIBA U18 Women’s Asia Championship Division B sa China.
Isasagawa ito mula Hunyo 24-30, 2024.