Gilas Pilipinas, nanguna sa laban vs Malaysia sa 2023 SEA Games

Gilas Pilipinas, nanguna sa laban vs Malaysia sa 2023 SEA Games

NANGUNGUNA sa laban kontra Malaysia ang Gilas Pilipinas sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa iskor na 94-49.

Ginanap ang kompetisyon sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.

Pinangunahan ni Brandon Ganuelas-Rosser ang laro na nakakuha ng 15 points, 5 rebounds, at 1 block habang si Justin Brownlee naman ay nakakuha ng 11 points, 4 rebounds, 2 steals at 1 rejection.

Susunod na makakalaban ng Gilas Pilipinas ay ang Cambodia sa Huwebes, 6pm na susundan ng laban nito kontra Singapore sa Linggo 2pm.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter