Gilas Pilipinas nasa isang matinding grupo sa FIBA Asian Qualifiers

Gilas Pilipinas nasa isang matinding grupo sa FIBA Asian Qualifiers

TILA nasa isang matinding hamon ang haharapin ng Gilas Pilipinas matapos mapabilang sa Group A ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers, kasama ang Australia na World number 7, New Zealand na nasa number 22 ang world ranking, at ang Guam na nasa number 88.

Kasalukuyang nasa ika-34 na puwesto ang Pilipinas sa world ranking.

Bagamat tila mahirap makatunggali ang ibang mga nabanggit na grupo, napatunayan na ng Gilas na kaya naman nilang makipagsabayan kung saan matatandaang natalo nila ang New Zealand noong 2023.

Ang Australia naman ay huling nakalaban ng Gilas noong 2018 sa isang kontrobersiyal na laban, habang ang Guam ay pinangungunahan ni PBA player Jericho Cruz.

Magsisimula ang qualifiers sa Nobyembre 2025 hanggang Marso 2027, at ang Top 3 teams mula sa bawat grupo ay uusad sa susunod na round.

Malaking laban ito para sa Gilas, ngunit sa puso at tapang ng mga Pilipinong atleta, posible ang lahat.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble