NATALO ulit ang Gilas Pilipinas sa kanilang naging laban kontra New Zealand nitong Linggo, Pebrero 23, 2025, Manila time sa iskor na 87-70.
Ito ang pangalawang pagkakataon na natalo ang Pilipinas sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.
Matatandaang noong Pebrero 20 ay unang natalo ang Gilas kontra Chinese Taipei sa iskor na 91-84.
Sa kabila nito ay nakakuha pa rin ang national team ng spot para sa magiging FIBA Asia Cup sa Saudi ngayong Agosto.
Follow SMNI News on Rumble