POSITIBO ang Philippine pride na Gilas Pilipinas na magiging maayos ang performance ng koponan para sa mga darating na mga laban nito.
Ito ay matapos, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng ilan sa mga injured players nito.
Ayon kay National Coach Chot Reyes, kasalukuyan nang maganda ang paggalaw ni Japeth Aguilar, Jun Mar Fajrdo, at AJ Edu at kailangan lamang ng mga ito na mapanatili ang kanilang kalusugan.
Para naman sa ibang players, patuloy pa rin ang kanilang pag-eensayo bilang paghahanda sa laban nito sa darating na Hunyo 28, 2023 kontra Finland.
Maliban dito, magkakaroon din ng apat hanggang limang laro ang Gilas sa iba pang koponan bilang paghahanda sa darating na Global Meet sa Agosto 25.