Gilas Pilipinas, tinapos ang 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa ikalawang pwesto sa Group B

Gilas Pilipinas, tinapos ang 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa ikalawang pwesto sa Group B

NATAPOS na ang third and final window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifying Game sa Group B kung saan kabilang ang Pilipinas.

Mula sa top spot, bumaba ang Gilas Pilipinas sa second spot matapos ang laban kontra Chinese Taipei at New Zealand.

Sa laban ng Gilas at New Zealand, nakaranas ang national team ng 87-70 lost.

Nagawang mapanatili ng kalaban ang 15 points lead mula sa first quarter na malaking tulong sa kanilang panalo.

Hindi nakaporma sa laban si Justine Brownlee na nakagawa lamang ng sampung puntos kumpara sa 39 points na nagawa nito sa laban sa Chinese Taipei.

Sa kabila naman ng back-to-back lost ng Gilas sa final window, ay pasok pa rin ito sa 2025 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia sa Agosto.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter