TINAMBAKAN ng Gilas Women ang Jordan sa nagpapatuloy na FIBA Under-16 Women’s Asian Championship sa Amman, Jordan.
Sa ngayon pasok na ang Gilas sa semis ng Division B.
Ito’y matapos na manguna sa Group A ang koponan, kasunod ng pagkakapanalo laban sa Jordan at nagbigay sa kanila ng 3-0 standing.
Tinalo ng Gilas Women ang Jordan sa iskor na 106-58.
Sa unang quarter, dikit pa ang iskor ng dalawang team ngunit sa mga sunod na quarter ay hindi na napigilan ng Jordan ang Pilipinas na gumawa ng puntos.
Pinangunahan naman ni Kimi Shannon Lynn Sayson ang Team Philippines na gumawa ng 19 points, habang sina Ryan Kelly Nair, Nevaeh Smith, Ava Camryn Fajardo, Demicah Jaeriel Arnaldo, at Scarlett Montana Mercado ay kapwa nag-ambag ng double digit points.
Kaugnay rito, pasok na sa semifinals ng Division B ng torneyo ang Gilas Women at inaantabayanan pa kung anong team ang makakaharap nito.