TARGET ngayon ng Barangay Ginebra San Miguel na madagdagan ang kanilang championship title sa PBA.
Ito ay matapos ang come-from behind win ng Gin Kings laban sa TNT Tropang Giga sa game 5 ng kanilang serye.
Sa kanilang laro, hawak ng Tropang Giga ang 10 points lead bago pumasok ang second half.
Pero matapos ang third quarter, ay nagawang lumamang ng isang puntos ang Gin Kings at nadagdagan pa sa huling dalawang minuto ng kanilang laro na nagtapos sa iskor na 73-66.
Nanguna sa kanilang panalo si Justin Brownlee na may 18 points, 14 rebounds at 5 assists.
Nagdagdag din ng double digit points sina Scottie Thompson at Japeth Aguilar.
Kasunod ng panalong ito, hawak ngayon ng Gin Kings ang 3-2 lead series at isang panalo na lang ang kanilang kailangan para sa championship title.
Magaganap ang kanilang game 6 sa Miyerkules, Marso 26 sa Smart Araneta Colisuem.
Follow SMNI News on Rumble