NARARANASAN na sa buong mundo ang panahon ng global boiling at natapos na ang panahon ng global warming.
Ito ang sinabi ni United Nation’s Chief Antonio Guterres, sa gitna ng nararanasang matinding init sa hilagang bahagi ng mundo.
Dagdag pa ng opisyal, nakakabahala at nakakatakot ang climate change ngayon.
Pero aniya pa, maaari pang malimitahan ang pagtaas ng global temperature sa 1.5 Celsius at maiwasan ang pinakamasamang climate change.
At ito ay sa pamamagitan lamang ng isang dramatic at agarang climate action, partikular na rito ang pagbabawas sa greenhouse gas emissions.
Samantala, ngayong Hulyo ang tinaguriang pinakamainit na buwan sa buong mundo matapos maitala ng Karsten Haustein at Leipzig University ang 1.5 Celsius o 2.7 Fahrenheit na temperatura buong mundo.