Global Force Award natanggap na ni Jennie mula sa Billboard Women in Music 2025

Global Force Award natanggap na ni Jennie mula sa Billboard Women in Music 2025

NATANGGAP na ni Jennie ng BLACKPINK ang kaniyang Global Force Award mula sa ginanap na Billboard Women in Music 2025.

Kasunod rin ito ng paglabas ng kaniyang “Ruby” solo album noong Marso 7.

Ang Billboard Women in Music 2025 ay isinagawa nitong Marso 29 sa Los Angeles, California, USA.

Isinasagawa ito taun-taon upang kilalanin at parangalan ang most influential female artists, creators, producers, at executives na may malaking kontribusyon sa music industry.

Samantala, nakakuha ng 7.1 out of 10 na rating mula sa online music publication na Pitchfork ang “Ruby” ni Jennie.

Sa standards ng Pitchfork, mataas na ang 7 na rating para sa isang artist.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble