TARGET ni Ken (Felip) ng SB19 na makarating sa international scene ang mga kantang Bisaya.
Ito ang ibinahagi niya sa isang Bisaya talk show kamakailan kung kaya’t madalas ang kaniyang pag-release ng solo songs sa lenguwaheng Bisaya.
Kahit may halong English ay madalas aniya Cebuano ang ginagamit niya sa lyrics.
Para sa kaniya, maliban sa pagiging ‘proud’ Bisaya dahil nagmula siya sa Pagadian, Zamboanga Del Sur ay maganda rin aniya talaga pakinggan ang Bisaya songs.
Sa SB19, kilala ang artist bilang Ken ngunit nang magsimula na rin siya sa kaniyang solo endeavors ay ginamit niya ang pangalang Felip na mula sa kaniyang birthname na Felip Jhon.