‘God Bless the Philippines’ at ‘Para sa Pilipinas Kong Mahal’ tampok sa bagong billboard ng SMNI sa EDSA

‘God Bless the Philippines’ at ‘Para sa Pilipinas Kong Mahal’ tampok sa bagong billboard ng SMNI sa EDSA

TAMPOK sa bagong billboard ng SMNI na makikita sa kahabaan ng EDSA ang ‘God Bless the Philippines’ at ‘Para sa Pilipinas Kong Mahal’.

Ito’y bilang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa ating bayan sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa kahabaan ng EDSA Estrella, kung kayo ay bumabyahe patungong South, ay masisilayan niyo ang bagong billboard ng SMNI na makikita sa building nito sa ACQ Tower sa Guadalupe, na may mensaheng ‘God Bless the Philippines’ o ‘Pagpalain ng Diyos ang Pilipinas’.

Samantala, sa kabilang direksyon, kung ang byahe niyo’y patungong North, isang napakagandang paalala para sa ‘ting mga Pilipino ang inyong masusumpungan sa nasabing billboard ng SMNI, at ito ay ang ‘Para sa Pilipinas Kong Mahal’.

Kilala si Pastor Apollo C. Quiboloy na malaki ang suporta sa ating pamahalaan upang isulong ang interes ng bansa, kaya naman laging sinasabi ng butihing Pastor na ang SMNI ay para sa nation-building.

Kaugnay rito, sa kanyang programang Give Us This Day nitong Huwebes, nagbigay ng mensahe si Pastor Apollo para sa ating mga kababayan.

“Mahalin natin ang ating bansa, ito’y nag-iisang bansa kung saan tayo ipinanganak. Inagaw nitong mga ahas, walang ahas dito sa Pilipinas. Kung may ahas man diyan,  kailangan mawala dito kasi mahal natin ang bansang ito bilang tayo ay mga Pilipino, ito ang nag-iisang bansa natin,” pahayag ni Pastor Apollo.

Kilala rin ang butihing Pastor bilang ang nangungunang tumitindig ngayon laban sa mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na matagal nang sumisira sa ating bansa.

Ani Pastor Apollo, bahagi ng pagmamahal sa ating bayan ay ang tuluyan silang tapusin.

“Dapat lahat tayo magmahal at magmalasakit, magkaisa para kung sino ang sumisira sa bansang ito ay talagang putulin natin, alisin dito, pagmamahal ‘yun,” dagdag ng butihing Pastor.

Follow SMNI News on Twitter