Golf Tourism ng Pilipinas, muling ipapamalas ng DOT sa GOLFCON 2025

Golf Tourism ng Pilipinas, muling ipapamalas ng DOT sa GOLFCON 2025

MULING ipapamalas ng Department of Tourism (DOT) ang dedikasyon nito sa pagpapalakas ng golf tourism sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsuporta sa Philippine Golf Convention (GOLFCON) 2025 na gaganapin sa Marso 8-9, 2025 sa sa Marriott Manila Hotel, Pasay City.

Pangungunahan ang naturang pagtitipon ng South Pacific Events & Marketing Co. at magtatampok ng mga pangunahing personalidad sa industriya, golf brands, at tour operators upang isulong ang inobasyon at kooperasyon sa sektor ng golf.

Highlight ng GOLFCON 2025 ang pagpapakilala ng mga pinakabagong modelo ng golf clubs mula sa kilalang lokal at internasyonal na mga brands.

Bukod dito, tampok din ang panel discussions at business engagements na naglalayong palakasin ang ugnayan sa industriya at palawakin ang mga oportunidad sa golf tourism.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter