KASALUKUYAN nang nasa Rank No. 6 si Fil-Japanese golfer Yuka Saso sa world rankings.
Sa pagsisimula lang ng linggong ito ay nasa Rank No. 30 lang si Saso.
Susi ng pag-angat ang kaniyang pagkapanalo sa US Open nitong Lunes, Hunyo 3, Manila time.
Mula rito ay kwalipikado na ang Fil-Japanese sa 2024 Paris Olympics.