PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang groundbreaking ceremony para sa 11,000 housing units sa Palayan City, Nueva Ecija ngayong araw, Disyembre 21, 2022.
Ito ay bilang bahagi ng ‘Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program’ ng administrasyong Marcos.
Bukod sa bahay, sinabi ng Pangulo na kasama sa itatayo sa housing project ang mga pamilihan, paaralan, clinic at mapagtatrabahuhan ng mga residente.
Tiniyak din ng Pangulo na magpapatuloy ang kanyang administrasyon sa pagtatayo ng mga tahanan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makamit ang kanyang hangarin na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon.