Grupo ng mga eksperto, muling umaapela na ihinto ang $2.45-B rehab project ng isang stadium sa Tokyo, Japan

Grupo ng mga eksperto, muling umaapela na ihinto ang $2.45-B rehab project ng isang stadium sa Tokyo, Japan

MULING hinihikayat ng mga grupo ng eksperto si Governor Yuriko Koike ng Tokyo, Japan na ihinto ang rehabilitasyon ng noo’y Baseball Stadium sa lugar.

Ayon sa mga eksperto na binubuo ng mahigit apat na raan (420) na architects, urban planners, environmentalists at economists, isang paraan ng pagsira ng kalikasan ang planong rehabilitasyon dahil puputulin ang nakatanim na libu-libong mga kahoy doon ngayon.

Setyembre 2023 ay una nang umapela ang publiko sa Tokyo na iurong ang plano matapos inaprubahan ni Gov. Koike noong Pebrero 2023 ang plano ng ilang developers na magtayo ng 200-meters na skyscrapers at isang 80meters na tower.

Kasama na rito ang pagpapaganda o rehabilitasyon ng baseball stadium kung saan naglaro ang sikat na player na si Babe Ruth na gagamitan ng fake grass.

Samantala, ang proyekto ay nagkakahalaga ng $2.45-B.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble