Grupo ng mga magulang, nagsagawa ng protesta kasabay ng anibersaryo ng CPP

Grupo ng mga magulang, nagsagawa ng protesta kasabay ng anibersaryo ng CPP

ISANG protesta ang isinagawa ng mga magulang sa labas ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR), umaga ng Lunes.

Ito ay upang alalahanin ang ginawang karahasan ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa buhay ng libu-libong Pilipino sa bansa.

Kasabay ito sa ika-54 na anibersaryo ng CPP ngayong araw, Disyembre 26 at pagkamatay ng pinuno nito na si Joma Sison.

Inalala ng mga magulang ng Hands Off Our Children Movement, Inc. (HOOCM) at ang Solidarity of Parents and Educators for Empowerment, Peace & Development, Inc. (SPEEPD) ang pagkamatay ng mahigit 50,000 Pilipino dahil sa kanilang walang kabuluhang rebolusyong masa laban sa gobyerno.

Muli, nananawagan para sa katarungan sa lahat ng kanilang kalupitan at paglabag sa karapatang pantao ang mga ito.

Anila napakaraming karahasan, dalamhati, pinsalang naidulot ng CPP kasama ang dalawang teroristang grupong katuwang nitong New People’s Army at National Democratic Front (NPA-NDF) sa loob ng mahigit 5 ​​dekada at ang kanilang mga biktima ay sumisigaw pa rin mula sa mga libingan para sa hustisya.

Mariin din nilang tinututulan ang pagbabalik ng abo ng teroristang lider na si Sison sa bansa.

Giit ng mga magulang, hindi matatawag na isang bayani si Sison na pugad ng kasamahan.

Panawagan ng grupo, katarungan at kapayapaan para sa lahat Pilipino at ang pagwawakas ng terorismo ng CPP-NPA-NDF sa buong bansa.

Follow SMNI News on Twitter