TUMANGGAP ng P150,000 na livelihood grant ang Barangay Habag Fisherfolks Association (BAHAFFA) bilang benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day ng Office of the Vice President (OVP).
Layunin ng grupo na mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng asosasyon na kumita at ang makapagbenta ng abot-kaya at sariwang isda sa komunidad.
Ayon sa OVP, ang natanggap nilang grant ay gagamitin nila sa karagdagang kapital ng asosasyon para sa negosyo nilang Fishing Trading and Marketing.
Hangad naman ng OVP na mas marami pang Pilipino ang sumubok na magnegosyo para sa ikauunlad ng kanilang pamumuhay.
Tiniyak ng ahensiya na patuloy silang magbibigay ng mga programa at serbisyo na may pangmatagalang epekto sa buhay ng mga Pilipino.