Grupo ng recruiters, migrant workers, nanawagan na respetuhin ang agency ni Jullebee Ranara na labis na binatikos

Grupo ng recruiters, migrant workers, nanawagan na respetuhin ang agency ni Jullebee Ranara na labis na binatikos

NANAWAGAN ang isang grupo ng recruitment agency na nag hire kay Jullebee Ranara na respetuhin ang ahensya nito matapos ang kaliwa’t kanang batikos na natatanggap nila mula sa publiko.

Kahit nailibing na nga si Ranara, ang OFW na walang awang pinaslang sa Kuwait ay hanggang ngayon naging mainit ang isyu sa mga dahilan o mga pinagmulan ng mga pangyayari.

Dinipensahan ni Atty. David Castillon, ang founder/chairman ng Special Alliance of Welfare Officer, Advocate, Recruiters and Migrant Workers (SWARM) na hindi kriminal at hindi rin naging pabaya ang recruitment agency na Catalist na nag hire kay Jullebee Ranara.

Si Atty. Castillo, ang abogado ng recruitment agency ni Ranara na nagisa sa pagdinig ng Senado kamakailan.

Pagbibigay-diin ng abogado, hindi nila ginusto ang nangyari kay Ranara.

Sa kabila ng pagkamatay ni Ranara ay hindi pa rin aniya nagpabaya ang ahensya na nag-hire kay Jullebee.

Kabilang sa mga itinulong ng Catalist International Manpower na naghire kay Jullebee ay ang cash assistance, autopsy, funeral, temporary shelter, burial expenses o araw-araw na gastusin habang nakaburol si Jullebee, insurance at iba pa.

Matatandaan nitong Miyerkules, ginisa sa Senate hearing si Atty. Castillon, hawak din kasi ng SWARM ang Catalist Manpower na agency ni Ranara.

Lumalabas sa pagdinig na bigo ang ahensya at pabaya na magmonitor sa Pinay worker kahit nakararanas na ito ng pagmamalupit sa anak ng kanyang employer.

Gayunpaman walang sinisisi si Castillon dahil naiintindihan naman niya ang mga ito na walang nakikitang masamang intensyon dahil gusto lang ng mga senador na mailagay sa maayos ang mga OFW.

Paglilinaw rin ni Atty. Castillon, dalawa kasi ang uri ng monitoring na obligadong gawin ng PRA at FRA.

Pero aniya ang pagmomonitor ng 24 oras sa kanilang mga na hire na OFW ay imposible.

Follow SMNI NEWS in Instagram